Tsina, itutuloy ang survey sa kalawakan, batay sa diwa ng paghahangad ng kabiyayaan ng buong sangkatauhan

2021-05-18 11:38:28  CMG
Share with:

Bilang tugon sa matagumpay na paglapag ng Tianwen-1 Probe ng Tsina sa Mars, inihayag nitong Lunes, Mayo 17, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na batay sa diwa ng paghahangad ng kabiyayaan ng buong sangkatauhan at inklusibo’t bukas na pakikitungo, patuloy na pasusulungin ng Tsina ang kooperasyong pandaigdig, upang gawin ang mas malaking bagong ambag sa pagsasarbey sa kalawakan, at pagpapasulong sa kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan.
 

Taos pusong pinasalamatan din ni Zhao ang pagbati ng mga organong pangkalawakan ng maraming bansa. Aniya, tulad ng sabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang mensaheng pambati, ang paglapag ng Tianwen-1 Probe sa Mars ay mahalagang hakbang sa biyahe ng interstellar exploration ng Tsina. Naisakatuparan nito ang interplanetary exploration, mula sa paggagalugad ng Earth-Moon system.
 

Ito ang kauna-unahang pagkakataong may palatandaang Tsino sa Mars, at nagsilbi itong isa pang milestone sa pag-unlad ng usapin ng kalawakan ng Tsina, dagdag ni Zhao.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method