Ipinahayag ngayong araw, Mayo 15, 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati sa grupong nagsasagawa ng misyon ng eksplorasyon sa Mars, pagkaraang matagumpay na lumapag sa naturang pulang planeta ang lander na nagdala ng unang Mars rover ng Tsina.
Binigyang-diin ni Xi, na ang tagumpay ng naturang misyon ay malaking pag-unlad ng eksplorasyon ng Tsina sa kalawakan, na mula sa mga misyon sa pagitan ng Mundo at Buwan palawak sa ibang planeta sa solar system.
Umaasa rin aniya siyang, patuloy at buong husay na isasagawa ng mga siyentista ang pananaliksik sa Mars, at pasusulungin din ang ibang mga proyektong pangkalawakan ng Tsina. Ito rin aniya ay magiging ambag para sa kaunlaran ng buong sangkatauhan.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos