Nagpalitan Biyernes, Mayo 21, 2021 ng mensahe sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Arif Alvi Imran Khan ng Pakistan, bilang pagbati sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Xi na bilang all-weather strategic partner, matibay na kinakatigan ng Tsina at Pakistan ang isa’t isa sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes at mahahalagang pagkabahala. Sa ilalim ng komong pagsisikap ng kapuwa panig, natamo ng konstruksyon ng ekonomikong koridor ng dalawang bansa ang kapansin-pansing bunga. Nakapaghatid ito ng kabiyayaan sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at nakapagpasigla rin ng lakas-panulak para sa kasaganaan ng rehiyon.
Nakahanda aniya siyang magsikap, kasama ni Pangulong Alvi, para mapalalim ang estratehikong pag-uugnayan at pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa, mapasulong ang de-kalidad na takbo ng naturang ekonomikong koridor, at ihatid ang benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
Inihayag naman ni Pangulong Alvi ang kahandaang pahigpitin ang pagkaunawa ng mga mamamayan ng dalawang bansa sa relasyong Sino-Pakistani, at itatag ang mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Pakistan sa bagong panahon.
Nang araw ring iyon, nagpalitan ng mensaheng pambati ang mga punong ministro ng dalawang bansa.
Salin: Vera
Pulido: Mac