Kooperasyong Sino-Pakistani sa pakikibaka laban sa COVID-19, isusulong pa

2021-05-21 10:16:30  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono nitong Mayo 20, 2021 kay Punong Ministro Imran Khan ng Pakistan, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na may mahabang kasaysayan ang pagkakaibigang Sino-Pakistani. Umaasa aniya siyang mapapanatili ng dalawang panig ang pagdadalawan sa mataas na antas, mapalakas ang estratehikong pagsasanggunian, mapapalalim ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan para mapangalagaan at mapasulong ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Tinukoy pa niya na patuloy na nilalabanan ang pandemiya ng COVID-19 ng buong mundo. Sa harap ng pandemiyang ito, nakahanda ang panig Tsino na ipagkaloob hangga’t makakaya ang suporta at tulong sa panig Pakistani, dagdag niya.

Ipinahayag naman ni Imran Khan ang pag-asa ng Pakistan na mapapalakas ang pakikipaglagayan sa panig Tsino sa mataas na antas.

Nakahanda aniya ang Pakistan na magsikap kasama ng Tsina para mapasulong ang pagtatamo ng relasyon ng dalawang bansa ng mga bagong bunga.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method