Mahigit 16 milyong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Brazil

2021-05-23 14:42:41  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko nitong Sabado ng gabi, Mayo 22, 2021 ng Ministri ng Kalusugan ng Brazil, 76,490 ang bilang ng mga bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) nitong najalipas na 24 oras.

Resulta nito, pumalo na sa 16,047,439 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansang ito.

Bukod pa riyan, 448,208 ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay.

Ayon pa sa pinakahuling datos ng World Health Organization (WHO), hanggang sa ngayon, nasa ikatlong puwesto sa buong daigdig ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Brazil, at pumapangalawa naman sa daigdig ang kabuuang bilang ng mga namatay sa bansang ito.

Ayon naman sa estadistika ng mga departamento ng kalusugan ng iba’t-ibang estado ng Brazil, hanggang noong Mayo 22, 41,830,634 mamamayan ng Brazil ang naturukan ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19, na katumbas ng nasa 19.75% kabuuang populasyon ng bansa.

Samantala, 20,572,545 naman ang nabigyan ng dalawang dose ng bakuna, na katumbas ng 9.72% ng kabuuang populasyon.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method