Sa kanyang panayam sa China Media Group (CMG), ipinahayag ni Parviz Koohafkan, Presidente ng World Agricultural Heritage Foundation (WAHF), na napakalaki ang ini-ambag ng yumaong Yuan Longping, akademisiyan ng Chinese Academy of Engineering sa pagpawi ng karalitaan sa Tsina, at paggarantiya sa kaligtasan ng pagkain ng Tsina.
Dagdag dito, malawakan aniyang itinatanim ang hybrid rice strain na gawa ni Yuan sa mga bansang gaya ng Pilipinas, India, Bangladesh, Indonesia, Biyetnam, Amerika, at Brazil.
Ani Koohafkan, dakila si Yuan dahil siya ay nakapagbigay ng napakalaking ambag hindi lamang sa Tsina, kundi sa buong daigdig, sa larangan ng food safety.
Salin: Lito
Pulido: Rhio