Pagpapahaba ng technical understanding ng Iran at IAEA, winewelkam ng Tsina

2021-05-26 15:52:24  CMG
Share with:

Sa regular na news briefing nitong Martes, Mayo 25, 2021, inihayag ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagtanggap sa pagpapahaba ng Iran at International Atomic Energy Agency (IAEA) sa technical understanding.
 

Umaasa aniya siyang matapat na ipapatupad ang nasabing pagkaka-unawaan
 

Ayon sa ulat, ipinatalastas kamakailan ni Direktor Heneral Rafael Mariano Grossi ng IAEA ang pagpapahaba ng pansamantalang technical understanding sa Iran, sa isyu ng paggarantiya at pagsusuperbisa, hanggang sa ika-24 ng Hunyo.
 

Saad ni Zhao, umaasa ang panig Tsino na batay sa pangmalayuan at pangkalahatang pananaw, magkakaroon ng pinal na plano ang iba’t ibang panig sa pagbalik sa pagpapatupad ng kasunduan sa lalong madaling panahon.
 

Nais rin aniya ng Tsina, na pasulungin ang muling pagbalik sa tumpak ng landas ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA).
 

Patuloy na gagawa ang Tsina ng mga pagsisikap para sa pagpapasulong sa nasabing prosesong diplomatiko, habang buong tatag na pinangangalagaan ang sariling lehitimong karapatan at kapakanan, dagdag niya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method