Tsina, aanyayahan ng IAEA na sumali sa grupong teknikal kaugnay ng pagtatapon sa dagat ng nuclear wastewater ng Hapon

2021-04-27 12:28:04  CMG
Share with:

Pinapasulong ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang pagbuo ng grupong teknikal kaugnay ng plano ng Hapon na itapon sa dagat ang radioactive wastewater ng Fukushima Daiichi nuclear power plant.
 

Ayon sa Timog Korea, kinumpirma na ng IAEA na kasali ito sa nasabing working group.
 

Kaugnay nito, inihayag nitong Lunes, Abril 26, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na kinumpirma kamakailan ng IAEA na aanyayahan ang Tsina na sumali rin sa nasabing grupo.
 

Dagdag niya, buong lakas na kakatigan ng panig Tsino ang mga kinakailangang gawain ng IAEA.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method