Rate ng mga malubhang adverse reaction ng mga bakunang Tsino kontra COVID-19, napakababa

2021-05-29 16:24:44  CMG
Share with:

Rate ng mga malubhang adverse reaction ng mga bakunang Tsino kontra COVID-19, napakababa_fororder_bbf2a68fc47a48d5bd8f3fd3ac1c17f3

 

Sinabi kahapon, Mayo 28, 2021, ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) ng Tsina, na napakababa ng rate ng mga malubhang adverse reaction ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na idinebelop ng Tsina, at ang mga benepisyo ng pagbabakuna ay mas malaki kaysa mga panganib.

 

Ayon sa estadistikang inilabas ng CDC, mula noong Disyembre 15, 2020, hanggang Abril 30, 2021, 265 milyong dosis ng bakunang Tsino ang nagamit sa inokulasyon sa Chinese mainland, at 31,434 kaso ng adverse reaction ang naiulat na kinabibilangan ng 188 kaso ng malubhang adverse reaction. Ipinakikita nitong ang rate ng malubhang adverse reaction ay 0.07 bawat 100,000 dosis, na kabilang sa lebel ng "napakababa."

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method