Ulat ng IFF: Belt and Road Initiative, makakatulong sa berdeng pagbangon sa post-pandemic era

2021-05-31 15:24:29  CMG
Share with:

Ulat ng IFF: Belt and Road Initiative, makakatulong sa berdeng pagbangon sa post-pandemic era_fororder_20210531IFF

Inilabas nitong Linggo, Mayo 30, 2021 ng International Finance Forum (IFF) 2021 Spring Meeting ang ulat hinggil sa Tsina, na nakapokus sa limang paksa.
 

Kabilang dito ay “komprehensibo’t sustenableng pag-unlad: lakas-panulak at hadlang ng paglago ng kabuhayang pandaigdig sa post-pandemic era,” Belt and Road Initiative, berdeng pinansya, pandaigdigang pamilihan ng kapital, at siyensiya’t teknolohiyang pinansyal.
 

Ayon sa taunang sarbey sa mga bangko sentral ng mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, na isinagawa kaugnay ng naturang porum, na 87% ng mga respondent ang naniniwala na ang mga proyekto ng Belt and Road ay makakatulong sa pagbangon ng kabuhayan sa post-pandemic era.
 

Samantala, ipinalalagay naman ng 75%, ang nasabing mga proyekto ay makakabuti sa berdeng pagbangon at sustenableng pag-unlad.
 

Ang IFF ay magkakasamang inilunsad ng mga mahigit 20 bansa, at rehiyon at kaukulang organisasyong pandaigdig na gaya ng Tsina, Amerika at Unyong Europeo noong Oktubre ng 2003.
 

Ito’y nagsisilbing pandaigdigang organo ng regular na diyalogo, pagpapalitan at pananaliksik sa mataas na antas sa larangan ng pinansya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method