Ayon sa espesyal na ulat ng Danmarks Radio (DR) na isinahimpapawid nitong Linggo, Mayo 30, 2021, ibinibigay ng Danish Defense Intelligence Service (FE) ang bukas na internet access sa National Security Agency (NSA) ng Amerika, para manmanan ang mga mataas na opisyal ng mga kaalyadong bansa na kinabibilangan ni Chancellor Angela Merkel ng Alemanya.
Nakipagtulungan ang DR sa mga media ng Sweden, Norway, Alemanya at Pransya, para isagawa ang isang lihim na imbestigasyong may codename na "Operation Dunhammer."
Ang imbestigasyong ito ay natapos noong Mayo 2016, at sa pamamagitan nito, natuklasan ang ganitong “kasindak-sindak na konklusyon.”
Sa isang email sa DR nang araw ring iyon, sinabi ni Trine Bramsen, Ministro ng Depensa ng Denmark, na hindi katanggap-tanggap ang systematic wiretapping sa mga kaalyansa.
Samantala, hiniling naman ng pamahalaan ng Norway at Sweden sa pamahalaan ng Denmark na agarang sagutin ang ulat na isinagawa ng NSA ang pag-e-espiya sa pamamagitan ng intelligence service ng Denmark.
Salin: Vera
Pulido: Rhio