Sa kanyang panayam kamakailan sa Australian media, inihayag ni Dominic Dwyer, Propesor ng University of Sydney at Miyembro ng Grupo ng World Health Organization (WHO) na nagtungo sa Tsina upang hanapin ang pinagmulan ng coronavirus, na kapos ng ebidensya ang teoryang nanggaling sa laboratoryo ang naturang virus.
Aniya, ang pagsasapulitika sa pinagmulan ng coronavirus ay hindi makakatulong sa pagresolba sa mga problema.
Noong unang dako ng taong ito, isinagawa ni Dwyer, kasama ng iba pang miyembro ng WHO mission ang 4-linggong pananaliksik sa pinanggalingan ng coronavirus sa Wuhan.
Sa kanyang naunang panayam sa Xinhua News Agency ng Tsina pagkatapos ng kanyang biyahe sa Wuhan, sinabi ni Dwyer na “extremely unlikely” o malayong mangyari na nagmula sa laboratoryong Tsino ang coronavirus.
Kaugnay ng duda kamakailan ng media sa magkasanib na ulat ng Tsina at WHO hinggil sa origin tracing at kautusan ni Pangulong Joe Biden ng Amerika sa pag-iimbestiga sa pinagmulan ng virus, sinabi niyang hanggang sa kasalukuyan, hindi maibibigay ng intelligence department ng Amerika ang anumang mahalagang impormasyon.
Saad ni Dwyer, sa panahon ng kanilang magkasanib na pananaliksik sa pinag-ugatan ng coronavirus, napakabukas ng panig Wuhan sa WHO.
Dagdag niya, maraming taon ang posibleng kailangan para hanapin ang pinanggalingan ng virus, at kailangang-kailangan din ang kooperasyon ng iba’t ibang panig.
Salin: Vera
Pulido: Rhio