Bakuna kontra COVID-19 ng Sinovac ng Tsina, inilakip sa emergency use list ng WHO

2021-06-02 15:45:37  CMG
Share with:

Bakuna kontra COVID-19 ng Sinovac ng Tsina, inilakip sa emergency use list ng WHO_fororder_20210602Sinovac

Inisyu nitong Martes, Hunyo 1, 2021 ng World Health Organization (WHO) ang emergency use listing (EUL) sa Coronavac, bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinovac Biotech ng Tsina.
 

Sa preskon nang araw ring iyon, sinabi ni Direktor Heneral Tedros Adhanom Ghebreyesus ng WHO na ang Coronavac ay kumpirmadong “ligtas, epektibo, at may garantiya sa kalidad,” kaya inilakip ito sa EUL ng WHO.
 

Ito ang ika-2 bakunang Tsino kontra COVID-19 na nasa EUL ng WHO, kasunod ng bakunang gawa ng China National Pharmaceutical Group o Sinopharm.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method