$US50 bilyong dolyares, ipinanawagan ng WHO, WTO, IMF at WB, para mapabilis ang pagpuksa COVID-19

2021-06-02 15:49:19  CMG
Share with:

Inilabas nitong Martes, Hunyo 2, 2021 sa maraming pahayagan ng daigdig ang isang artikulong magkakasanib na nilagdaan nina Direktor Heneral Tedros Adhanom Ghebreyesus ng World Health Organization (WHO), Direktor Heneral Ngozi Okonjo-Iweala ng World Trade Organization (WTO), Presidente Kristalina Georgieva ng International Monetary Fund (IMF), at Presidente David Malpass ng World Bank (WB).
 

Tinukoy ng artikulo na ang pagbabakuna ay ang susi para mawakasan ang krisis pangkalusugan at mapasulong ang pagbangon ng buong mundo.
 

Ipinagdiinan ng artikulo, na kailangang agarang isagawa ang pandaigdigang aksyon sa usaping ito.
 

Nanawagan ang apat na opisyal sa iba’t ibang bansa na maglaan ng $US50 bilyong dolyares na pondo bilang suporta sa isang koordinadong estratehiya ng pagbabakunang pandaigdig, upang mabilis na mawakasan ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at maigarantiya ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
 

Sa news briefing nang araw ring iyon, nangako ang nasabing 4 na opisyal na magkakasamang magpupunyagi para pasulungin ang pagpapatupad ng planong ito.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method