Ang kasalukuyang taon ay hindi lamang ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN, ito rin ay taong pangkooperasyon ng sustenableng pag-unlad ng kapuwa panig.
Kaugnay nito, idinaos sa Beijing Miyerkules, Hunyo 2, 2021 ang porum pangkooperasyon ng mga media ng Tsina at ASEAN sa 2021.
Ipinahayag ng mga kalahok ang pag-asang masasamantala ang mga teknolohiyang gaya ng new media, para patuloy na mapalalim ang kooperasyong ASEAN-Sino sa iba’t-ibang larangan.
Sa kanyang video speech, tinukoy ni Kung Phoak, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, na sa kabila ng grabeng epekto ng Corona Virus Disease (COVID-19), hindi mahahadlangan ang malakas na partnership ng ASEAN at Tsina. Aniya, sa post-pandemic era, ang ASEAN at Tsina ay may mas maraming pagkakataon ng kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, partikular sa larangan ng new media.
Samanatala sinabi naman ni Jusan Vincent L. Arcena, Asistanteng Kalihim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), na ang pagpapalakas ng kooperasyong ASEAN-Sino ay angkop sa komong kapakanan ng kapwa panig. Ito rin aniya ay nakakabuti sa kapayapaan, komong kasaganaan, katatagan, at kaunlaran sa rehiyong ito.
Salin: Lito
Pulido: Rhio