Ginanap dito sa Beijing nitong Lunes, Marso 8, 2021 ang Think Tank & Media Forum on Global Economic Development.
Ang nasabing porum ay itinaguyod ng China Foreign Languages Publishing Administration. Sa pamamagitan ng online at offline platforms, lumahok dito ang halos 20 dating mataas na opisyal at kilalang dalubhasa’t iskolar mula sa Tsina, Pransya, Rusya at iba pang bansa.
Malalimang nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa mga isyung gaya ng mga hamong pandaigdig, pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig, pagtanaw ng Tsina sa post-pandemic era at iba pa.
Iminungkahi ng mga kalahok na upang isagawa ang mabisang global governance, dapat ipatupad at pangalagaan ng iba’t ibang bansa ang multilateralismo, itatag ang bukas at inklusibong kabuhayang pandaigdig, igiit ang kooperasyon at inobasyon, pasulungin ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, at magkakapit-bisig na harapin ang mga hamong pandaigdig.
Salin: Vera
Pulido: Mac