Tsina, handa na magpatingkad ng konstruktibong papel sa pagpapanumbalik ng kapayapaan at katatagan sa Myanmar

2021-06-06 13:45:04  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo sa Naypyitaw nitong Sabado, Hunyo 5, 2021 kay Chen Hai, Embahador ng Tsina sa Myanmar, inilahad ni Min Aung Hlaing, lider ng Myanmar ang situwasyong panloob ng kanyang bansa.

Ipinahayag niya na nagsisikap ang Myanmar para sa katatagan ng bansa at pag-unlad ng kabuhayan, at mapangalagaan ang demokrasiya at sistemang pambatas. Aniya, nakahanda ang Myanmar na magsikap kasama ng Association of Southeast Asian nations (ASEAN) para mapangalagaan ang katatagan ng situwasyong panloob ng bansa at maisakatuparan ang kanilang mga kaukulang pagkakasundo.

Dagdag pa niya, ang Tsina ay mahalagang kapitbansa ng Myanmar, at nakahanda aniya itong panatilihin ang pakikipagkoordina sa panig Tsino.

Ipinahayag naman ni Chen na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang tradisyonal na pagkakaibigan nila ng Myanmar.

Ani Chen, taos-pusong umaasa ang panig Tsino na mapapanumbalik ang kapayapaan at katatagan sa Myanmar sa lalong madaling panahon, at kinakatigan ang pagsasakatuparan ng mga narating na komong palagay ng ASEAN at Myanmar. Nakahanda ang panig Tsino na patuloy na patingkarin ang konstruktibong papel para rito, dagdag niya.

Nagpalitan din ng kuru-kuro ang kapwa panig tungkol sa mga isyung tulad ng relasyon ng Tsina at Myanmar, magkasanib na pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng COVID-19.


Salin: Lito

Please select the login method