Ayon sa pinakahuling sarbey ng Daily Yomiuri ng Hapon, umabot sa 50% ang proporsyon ng mga mamamayang Hapones na naniniwalang maaaring idaos ang Tokyo Olympic Games, ayon sa nakatakdang iskedyul.
Ito ay tumaas ng 11% kumpara noong isang buwan.
Apatnaput anim na araw lang ang natitira bago buksan ang Tokyo Olympic Games, ipinakikita ng resulta ng nasabing sarbey na pinakamataas ang support rate ng mga mamamayang Hapones sa Olimpiyada, nitong nakalipas na mahigit isang taon.
Pagpasok ng kasalukuyang Hunyo, bumagal ang pagkalat ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Tokyo.
Ayon sa plano, aalisin ang state of emergency sa 10 lugar ng bansa na kinabibilangan ng Tokyo bago ang Hunyo 20.
Salin: Vera
Pulido: Rhio