Ministro ng komersyo ng Tsina at Amerika, nag-usap sa telepono: pag-unlad ng pragmatikong kooperasyon sa kalakalan at pamumuhunan, pasusulungin

2021-06-10 13:10:12  CMG
Share with:

Nag-usap Huwebes, Hunyo 10, 2021 sa telepono sina Wang Wentao, Ministro ng Komersyo ng Tsina, at Gina Raimondo, Kalihim ng Komersyo ng Amerika.
 

Pragmatikong nagpalitan ng kuru-kuro ang kapuwa panig tungkol sa mga kaukulang isyu at pagkabahala sa larangang komersyal.

Ministro ng komersyo ng Tsina at Amerika, nag-usap sa telepono: pag-unlad ng pragmatikong kooperasyon sa kalakalan at pamumuhunan, pasusulungin_fororder_ChinaUS

Kapuwa nila inihayag na napakahalaga ng diyalogo’t pagpapalitan ng dalawang bansa sa larangan ng komersyo.
 

Sang-ayon silang pasulungin ang malusog na pag-unlad ng pragmatikong kooperasyon sa kalakalan at pamumuhunan, at patuloy na panatilihin ang pag-uugnayan sa mga kaukulang gawain.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method