Tsina sa Amerika: itakwil ang lipas sa modang kaisipan ng Cold War at zero-sum game

2021-06-11 16:16:05  CMG
Share with:

Hinimok nitong Huwebes, Hunyo 10, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang panig Amerikano na itakwil ang lipas sa modang kaisipan ng Cold War at zero-sum game, obdyektibo’t makatwirang pakitunguhan ang pag-unlad ng Tsina, itigil ang paulit-ulit na paggawang sangkalan ng Tsina, at patingkarin ang konstruktibong papel para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
 

Ayon sa ulat, inilabas nitong Miyerkules ni Lloyd Austin, Kalihim ng Depensa ng Amerika ang kautasan hinggil sa mabilis na pagpapaunlad ng hukbo at kakayahang militar ng Amerika, upang tulungan ang pamahalaan na harapin ang mga hamon mula sa Tsina.
 

Kaugnay nito, sinabi ni Wang na nangunguna sa buong mundo ang halaga ng gastusing militar ng Amerika. Aniya, ang halagang ito ay katumbas ng kabuuang halaga ng gastusing militar ng 9 na bansa kasunod ng Amerika, at ito rin ay halos 4 na ulit na mas malaki kaysa halaga ng Tsina.
 

Sinabi rin ni Wang, na may mahigit 800 baseng militar sa ibayong dagat ang Amerika, at sapul nang itatag ang Amerika, 16 taon lang kung kailan hindi ilunsad nito ang digmaan. Sino ang nagiging banta at hamon? Napakalinaw ng sagot, dagdag ni Wang.
 

Salin: Vera

Please select the login method