Ayon sa ulat ng China National Space Administration, ang unang rover ng Tsina sa Mars na tinatawag na Zhurong, ay bumaba ng lander at sinimulan ang paggalugad sa ibabaw ng naturang pulang planeta, ngayong umaga, Mayo 22, 2021.
Ang rover ay maglalakbay sa ibabaw ng Mars, para mangalap ng mga impormasyon, at magsasagawa ng siyentipikong pananaliksik sa paligid ng naturang lugar.
Bilang bahagi rin ng misyon ng Tianwen, ang orbiter naman ay nananatili sa orbita ng Mars, para magkaloob ng matatag na relay communication sa pagitan ng Zhurong at planetang Mundo.
Matatandaang lumapag nitong Mayo 15 sa Mars ang rover at lander.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos