Konsumo ng Tsina sa bakasyon ng Dragon Boat Festival, masiglang-masigla

2021-06-15 16:43:09  CMG
Share with:

Konsumo ng Tsina sa bakasyon ng Dragon Boat Festival, masiglang-masigla_fororder_20210615konsumo

Sa panahon ng katatapos na bakasyon ng Pestibal ng Duanwu o Dragon Boat Festival, masiglang-masigla ang konsumo ng Tsina sa mga aspektong gaya ng turismo, mercado ng pelikula at iba pa.
 

Ayon sa datos ng Ministri ng Kultura at Turismo ng bansa, sa panahon ng nasabing bakasyon, mahigit 89 milyong person-time ang kabuuang bilang ng mga domestikong biyaheng panturista, at ito ay lumaki ng 94.1% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
 

Samantala, 29.43 bilyong yuan RMB ang tourism revenue, na lumaki ng 139.7%.
 

Dagdag pa riyan, naging masiglang-masigla rin ang merkado ng pelikula.
 

Umabot sa 450 milyon yuan RMB ang box office sa loob ng bansa, sa panahon ng nasabing 3-araw na bakasyon.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method