Ipinahayag ngayong araw, Hunyo 14, 2021, ng tagapagsalita ng Embahada ng Tsina sa Britanya, ang malakas na kawalang-kasiyahan at matinding pagtutol sa mga nilalaman tungkol sa Tsina sa magkakasanib na komunikeng inilabas ng mga lider ng Group of Seven (G7).
Sinabi ng tagapagsalita, na ang mga pananalita sa komunike tungkol sa Xinjiang, Hong Kong, at Taiwan ay taliwas sa katotohanan, at pagbaligtad ng tama at mali. Aniya, ang pagpapalabas ng mga pananalitang ito ay paninirang-puri sa Tsina, pakikialam sa mga suliraning panloob ng bansa, at paglabag sa mga saligang norma sa relasyong pandaigdig.
Kaugnay ng pagpuna ng G7 sa mga patakarang pangkalakalan ng Tsina, sinabi ng tagapagsalita, na hinding-hindi isinagawa ng Tsina ang di-umanong mga "non-market" policy. Sa halip aniya, buong sikap na pinapaunlad ng Tsina ang sariling kabuhayan, at iginigiit ang pagbubukas sa labas, para magbigay-ambag sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Pagdating naman sa kahilingan ng G7 na isagawa ang ikalawang round ng pag-aaral sa pinagmulan ng coronavirus, sinabi ng tagapagsalita, na nananatiling bukas at transparent ang Tsina sa isyung ito, at isinagawa na ang pakikipagkooperasyon sa World Health Organization. Dagdag niya, ang pag-aaral sa pinagmulan ng coronavirus ay suliraning pansiyensiya, at hindi dapat itong isapulitika.
Editor: Liu Kai
Pakiki-alam ng G7 sa mga suliraning panloob ng Tsina, tiyak na mabigo: Tsina
"Six-Monthly Report on Hong Kong" ng Britanya, pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina
Tsina: ang umano'y "Uighur Tribunal" ay kalapastanganan sa batas
Amerika, dapat anyayahan ang WHO na isagawa ang pananaliksik sa pinagmulan ng coronavirus sa Amerika