Sa isang eksklusibong panayam kamakailan, tinukoy ni Dr. Ju Liya na nakakuha ng kanyang PhD sa immunology sa Pasteur Institute ng Pransya na napapatunayan ng siyentipikong pananaliksik na ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Pransya ay walang kaugnayan sa Wuhan.
Palagay niya, ang coronavirus ay nagmula at sumiklab sa maraming lugar ng daigdig.
Ayon pa sa grupo ng pananaliksik ng National Cancer Institute (INT) sa Milan, Italya, sinimulang kumalat sa Italya ang coronavirus sa tag-init ng 2019.
Nagpositibo ang resulta ng pagsusuri sa wastewater sa mga lugar na gaya ng Milan at Turin noong katapusan ng 2019, bagay na nagpapatunay na marami ang nahawahan ng coronavirus sa panahong iyan.
Salin: Vera
Pulido: Jade