CMG Komentaryo: Istasyong pangkalawakan ng Tsina, kapaki-pakinabang sa sangkatauhan

2021-06-18 10:55:10  CMG
Share with:

Matagumpay na inilunsad nitong Huwebes, Hunyo 17, 2021 ng Tsina ang Shenzhou-12 spacecraft lulan ang tatlong astronaut. Makaraang dumaong ang Shenzhou-12 sa Tianhe core module ng istasyong pangkalawakan o space station ng Tsina, ang tatlong astronaut na Tsino ay mamamalagi roon nang tatlong buwan para isagawa ang iba’t ibang pagsubok at pananaliksik.

 

Tinagurian ito ng mga media na dayuhan bilang makasaysayang misyon ng programang pangkalawakan ng Tsina. Nagsipahayag din ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng Amerika, state space corporation ng Rusya na Roscosmos, European Space Agency (ESA), Canadian-American tycoon na si Elon Musk, at iba pa ng kanilang pagbati sa naturang tagumpay ng Tsina.

 

Balak ng Tsina na tapusin ang konstruksyon ng space station nito sa taong 2022.

 

Sa katotohanan, sapul nang pasinayaan ng Tsina ang manned space program, walang patid itong nakikipagpalitan at nakikipagtulungan sa mga organong pangkalawakan ng iba’t ibang bansa at organisasyong pandaigdig.

 

Sa yugto ng space station, nakahanda ang Tsina na palalimin ang pakikipagtulungang pandaigdig sa larangan ng pagpapalawak ng punsyon ng space station, siyensiyang pangkalawakan at paggamit nito, magkakasamang pagsasagawa ng misyon ng mga astronaut ng iba’t ibang bansa, pagbabago at paggamit ng mga bungang teknolohiya, at iba pa.

 

Hanggang sa kasalukuyan, sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang panig na dayuhan, siyam na proyektong pangkooperasyon mula sa 17 bansa ang aprubadong isagawa sa space station ng Tsina. Ilalabas ang pangalawang batch ng mga proyektong pangkooperasyon sa hinaharap.

 

Layon ng lahat ng pagsisikap at pakikipagkooperasyon ng Tsina na itatag ang space station bilang laboratoryong pangkalawakan na magdudulot ng benepisyo sa sangkatauhan. Bunga nito, mapapasulong ang pandaigdig na pagtutulungang pang-inobasyon sa larangan ng siyensiyang pangkalawakan, life science, at mga may kinauukulang sektor para walang humpay na makapag-ambag ang Tsina sa paggagalugad sa sanlibutan, at mapayapang paggamit ng outer space ng sangkatauhan.

 

Salin: Jade 

Please select the login method