Nanawagan si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, sa lahat ng mga miyembro ng CPC na kunin ang lakas mula sa kasaysayan ng partido, para magbigay ng ambag sa modernisasyon ng bansa at pagbangon ng nasyong Tsino.
Winika ito ni Xi kahapon, Hunyo 18, 2021, sa Beijing, habang bumibisita siya sa eksibisyon tungkol sa kasaysayan ng CPC.
Binuksan sa araw na ito ang eksibisyon bilang pagdiriwang sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng CPC.
Sa pamamagitan ng mahigit 2,600 larawan at 3,500 artifact, ipinakikita ng eksibisyong ito ang iba't ibang yugto ng kasaysayan ng CPC, mula panahon ng rebolusyon hanggang sa pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, at mula pagsasagawa ng reporma at pagbubukas sa labas hanggang sa bagong panahon ng sosyalismong may katangiang Tsino at bagong biyahe tungo sa sosyalistang modernisasyon.
Editor: Liu Kai