Sa loob ng 100 taon, malaki na ang nagbago sa Communist Party of China (CPC). Ito ang pinulsuhan ni Dr. Rommel Banlaoi, Pangulo ng Philippine Association for Chinese Studies (PACS) sa panayam ng China Media Group kamakailan.
Aniya,“Naging creative, innovative at mas engaging ngayon ang Communist Party of China. Ang kanilang mga polisiya ay masasabi kong may maidudulot na kagandahan di lamang sa Tsina kundi pati na rin sa buong mundo.”
Si Prof. Banlaoi habang lumalahok sa Beijing Forum na idinaos sa Peking University, Beijing, China, noong 2014.
Paliwanag niya, ang CPC sa kasalukuyan ay nagsusulong ng sustainable development, environmental protection, mitigating climate change at alleviating poverty. Nag-adapt ito sa mga nagaganap na pagbabago sa mundo at patuloy na nag-aadapt at nag-i-innovate.
Si Xi Jinping ang nasa sentro ng partido. Sa pananaw ni Prof. Banlaoi, sa pamumuno ni Pangulong Xi Jinping, mas napalakas ang kapangyarihan ng CPC, para isulong di lamang ang sectoral interest ng partido kundi maging ang kabuuang interest ng bansang Tsina.
Hinggil sa mataas na tiwala ng mga tao sa Partido Komunista ng Tsina, ang dahilan nito sa palagay ni Prof. Banlaoi ay ang kakayahang maghatid ng mga pangangailangan ng mga mamamayan. “Mula 1949, naipakita ng CPC yung pangako niya. Unang-una, mapalakas ang bansang Tsino. Ma-unify ang mga mamamayan nito. At nang ma-achieve ang national unity, ngayon nangako ang CPC na iahon sila sa kahirapan. At na-achieve yan ng CPC,“ pahayag ni Banlaoi.
Performance politics ang sandigan kung bakit ang tiwala ng mga Tsino ay nasa partido, dagdag niya.
Hangad ni Banlaoi na magpapatuloy ang diyalogo ng PDP-Laban ng Pilipinas at CPC para ang kagandahan ng ugnayan sa pagitan ng mga partido at pamahalaan ay mag-spill over sa people-to-people relationship.
Nawa ay hindi rin malimita ang pakikipag-usap ng CPC sa dominant party, dapat makipag-usap din ito sa mga maliit na partido. “Para maipakita niya ang intensyon at hangarin ng partido. Tapos na ang cold war era kung saan na-demonize nang husto ang mga communist parties,” sabi pa ni Banlaoi.
Ang buong panayam ay mapapakinggan sa link na nasa itaas.
Narito ang unang episode ng espesyal na programa ng CMG, kung saan ibinahagi ni Dr. Banlaoi ang pananaw hinggil sa pagtutulungan ng Pilipinas at Tsina sa mga larangan ng pagbabakuna, imprastruktura, kalakalan at people-to-people contact.
Narito ang pangalawang episode, kung saan ibinahagi ni Dr. Banlaoi ang pananaw hinggil sa kahalagahan ng imprastruktura't modern agriculture para mapataas ang antas ng pamumuhay at makaahon sa ganap na kahirapan ang mga mamamayang Tsino, at prospek ng bagong target na pangkaunlaran ng Tsina para sa Pilipinas para isakatuparan ang win-win situation.
Ulat: Machelle Ramos
Content-edit: Jade/Mac
Audio-edit/Web-edit: Jade
Larawan: Rommel Banlaoi
Espesyal na pasasalamat kay Li Feng
Dr. Rommel Banlaoi: Pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas, sana'y hindi matinag
Ikapito at pinakamalaking kargamento ng 1.5 milyong bakuna ng Sinovac, dumating na ng Pilipinas
Pangulong Duterte binakunahan ng Sinopharm, inokulasyon matagal na niyang inasahan
Chai Roxas: Wuhan balik-normal, disiplina at bayanihan susi laban COVID-19