Ayon sa estadistika ng panig opisyal ng Tsina na inilabas kahapon, Hunyo 20, 2021, nitong limang taong nakalipas sapul nang isaoperasyon ang freight train sa pagitan ng Tsina at Europa, lumampas na sa 40,000 ang kabuuang bilang ng mga treng ito, at mahigit 200 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng mga inihatid na paninda.
Kasabay nito, binuksan ang 73 linya sa pagitan ng Tsina at mahigit 160 lunsod ng 22 bansang Europeo.
Ipinahayag ng panig Tsino, na nagpapakita ang China-Europe freight train ng katayuan at papel bilang pandaigdigang produktong pampubliko, nagbukas ng bagong kabanata ng transportasyong panlupa sa pagitan ng Asya at Europa, at nakakatulong sa mabilis na pag-unlad ng kabuhayan sa mga lugar sa kahabaan.
Samantala, sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), inihatid ng nasabing freight train sa Europa ang 94,000 toneladang medikal na materyal, at mabisa nitong iginagarantiya ang katatagan ng global industry chain at supply chain.
Salin: Vera
Pulido: Frank