Mga pulong ng kooperasyong ng Silangang Asya, gaganapin; progreso ng kooperasyon at direksyon ng pag-unlad, tatalakayin

2021-06-22 11:38:24  CMG
Share with:

Isinalaysay nitong Lunes, Hunyo 21, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa pamamagitan ng video links, gaganapin sa ika-22, ika-24, at ika-29 ng Hunyo ang mga pulong ng mga mataas na opisyal ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon, at Timog Korea (10+3), Summit ng Silangang Asya, at ASEAN Regional Forum, ayon sa pagkakasunud-sunod.
 

Aniya, tatalakayin sa nasabing mga pulong, pangunahin na, ang hinggil sa progreso ng kooperasyon at direksyon ng pag-unlad ng nabanggit na mga mekanismo, at magpapalitan ng kuru-kuro hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na pinahahalagahan ng iba’t ibang panig.
 

Dadalo sa naturang mga pulong si Wu Jianghao, Asistanteng Ministrong Panlabas ng Tsina, dagdag ni Zhao.
 

Saad niya, sa background ng malalimang pagbabago ng kalagayang panrehiyon at pandaigdig, nakahanda ang panig Tsino, kasama ng iba’t ibang panig, na dagdagan ang mga komong palagay, palalimin ang kooperasyon, pabutihin ang pangangasiwang panrehiyon, pataasin ang lebel ng kalusugang pampubliko, pasulungin ang sustenableng pag-unlad sa post-pandemic era, at pangalagaan ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Frank

Please select the login method