Mahigit 28%, paglago ng kalakalang panlabas ng Tsina mula Enero hanggang Mayo: kalakalan ng Tsina at ASEAN, lumaki ng 29.2%

2021-06-08 12:34:31  CMG
Share with:

Umabot sa 14.76 trilyong yuan RMB (mga $US 2.31 trilyong dolyares) ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng paninda ng Tsina mula Enero hanggang Mayo 2021, at ito ay lumago ng 28.2% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
 

Ito ang inilabas nitong Lunes, Hunyo 7, 2021 ng Pambansang Administrasyon ng Adwana ng Tsina.
 

Kabilang dito, mahigit 8 trilyong yuan ang pagluluwas, na lumaki ng mahigit 30%; 6.72 trilyong yuan naman ang pag-aangkat, na lumaki ng 25.9%.
 

Samantala, mula Enero hanggang Mayo, nasa 2.19 trilyong yuan ang kalakalan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at ito ay lumaki ng 29.2%.
 

Ang ASEAN, Unyong Europeo (EU), Amerika at Hapon ay nananatili pa ring unang apat na pinakamalaking trade partner ng Tsina.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method