Wang Yi at Lim Jock Hoi, nag-usap: kooperasyong Sino-ASEAN sa paglaban sa COVID-19, palalakasin

2021-06-08 10:53:03  CMG
Share with:

Wang Yi at Lim Jock Hoi, nag-usap: kooperasyong Sino-ASEAN sa paglaban sa COVID-19, palalakasin_fororder_20210608WangYiLim400

Chongqing, Tsina — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Lunes, Hunyo 7, 2021 kay Lim Jock Hoi, Pangkalahatang Kalihim ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang kasalukuyang taon ay ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN.

Aniya, nitong 30 taong nakalipas, natamo ng relasyong Sino-ASEAN ang napakalaking pag-unlad na nagsisilbing mahalagang sandigan para sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran, at kasaganaan sa rehiyong ito.

Ipinahayag niyang patuloy na makikipagtulungan ang panig Tsino sa mga bansang ASEAN sa usapin ng paglaban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Aniya pa, ayon sa pangangailangan ng ASEAN, ipagkakaloob ng panig Tsino ang mas maraming bakuna.

Samantala, natapos na aniya na ng panig Tsino ang pag-aproba sa “Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP),”at umaasa ang Tsina na mapapabilis ng mga bansang ASEAN ang proseso ng pagsusuri at pag-aproba para magkabisa ang kasunduang ito sa lalong madaling panahon, makapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa sa pinakamadaling panahon, at mapabilis ang pag-ahon ng kabuhayan.

Ipinahayag naman ni Lim Jock Hoi ang pasasalamat sa ibinibigay na suporta at tulong ng panig Tsino sa ASEAN sa paglaban sa pandemiya.

Nakahanda aniya ang ASEAN na magsikap kasama ng panig Tsino para buong tatag na mapangalagaan ang kapayapaan at katatagang panrehiyon, puspusang mapasulong ang pag-ahon ng kabuhayang panrehiyon, at walang humpay na mapataas ang lebel ng pag-unlad ng relasyong ASEAN-Sino.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method