Xi Jinping sa mga dayuhang estudyante: Palalimin ang pagkaunawa sa Tsina

2021-06-22 18:15:38  CMG
Share with:

Sa kanyang liham na ipinadala kahapon, Hunyo 21, 2021, sa mga dayuhang estudyante sa Peking University, hinihikayat ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga dayuhang estudyante na palalimin ang pagkaunawa sa tunay na Tsina, at ibahagi sa mas maraming tao ang kanilang kuro-kuro at karanasan sa Tsina, para pasulungin ang pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa.

 

Pinapurihan din ni Xi ang pagbanggit ng naturang mga estudyante ng mga ginawa ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) para paunlarin ang kabuhayan, pawiin ang karalitaan, at tulungan ang ibang bansa sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Dagdag niya, ginagawa ng CPC ang mga ito, dahil ito ay partidong nagsisikap para sa kaligayahan ng mga mamamayang Tsino at pag-unlad ng buong sangkatauhan.

 

Nauna rito, ipinadala ng 45 estudyante ng 32 bansa na nag-aaral sa Peking University ang isang liham kay Xi.

 

Ipinahayag nila ang pagbati sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng CPC, at binigyan din ng paghanga sa mga natamong bunga ng Tsina sa pamumuno ng CPC.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method