Belt and Road cooperation, palalalimin ng Tsina at Tanzania

2021-06-22 16:33:43  CMG
Share with:

Nag-usap nitong Lunes, Hunyo 21, 2021 sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Samia Suluhu Hassan ng Tanzania.
 

Saad ni Xi, sa kasalukuyan, nahaharap sa pagkakataong historikal ang pag-unlad ng relasyong Sino-Tanzanian. Nakahanda ang panig Tsino na pasulungin ang sinerhiya ng kooperasyon ng Belt and Road, pagpapatupad ng mga natamong bunga ng Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation, at estratehiyang pangkaunlaran ng Tanzania, palawakin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng agrikultura, transportasyon, telekomunikasyon, turismo, enerhiya at iba pa, himukin at katigan ang mas maraming kompanyang Tsino na mamuhunan at magsimula ng negosyo sa Tanzania, palakasin ang kooperasyon kontra pandemiya, at walang humpay na pasaganahin ang nilalaman ng komprehensibo’t kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
 

Inihayag naman ni Pangulong Hassan ang kahandaang tularan ang mga karanasan ng panig Tsino sa pagpapawi ng karalitaan at pangangasiwa sa bansa, at palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng kapuwa panig sa iba’t ibang larangang kinabibilangan ng kalakalan, imprastruktura, people-to-people exchanges at iba pa.
 

Aniya, buong tatag na igigiit ng kanyang bansa ang patakarang Isang Tsina, at kinakatigan ang paninindigan ng panig Tsino sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes na gaya ng Taiwan, Hong Kong, at Xinjiang.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Frank

Please select the login method