Martes ng gabi, Disyembre 15, 2020, nag-usap sa telepono ang mga Pangulong Xi Jinping ng Tsina at John Magufuli ng Tanzania.
Tinukoy ni Xi na sa mula’t mula pa’y ang Tsina ay mapagkakatiwalaang kaibigan ng Tanzania.
Buong tatag aniyang kinakatigan ng panig Tsino ang pagtahak ng panig Tanzanian sa landas ng nagsasariling pag-unlad na angkop sa aktuwal na kalagayan ng sariling bansa.
Saad ni Xi, nakahanda ang panig Tsino na pahigpitin ang sinerhiya ng mga estratehiyang pangkaunlaran ng dalawang bansa, palakasin ang magkasamang pagtatatag ng Belt and Road, palalimin ang komprehensibo’t kooperatibong partnership ng dalawang bansa, at gawin ang ambag para sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Aprika.
Pinasalamatan naman ni Magufuli ang buong tatag na suportang pulitikal ng panig Tsino, bago at matapos ang pambansang halalan ng Tanzania, at lubos na hinangaan ang natamong dakilang tagumpay ng Tsina, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Xi.
Dagdag ni Magufuli, matatag na kinakatigan ng panig Tanzanian ang paninindigan ng panig Tsino sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes ng Tsina na gaya ng isyu ng Xinjiang at Hong Kong, at nagpupunyagi para aktibong sumali sa konstruksyon ng Belt and Road.
Salin: Vera