Tsina, patuloy na pangangalagaan ang interes ng mga kompanyang Tsino

2021-06-23 12:56:28  CMG
Share with:

 

Ipinahayag ng Tsina ang pagtanggap sa kapasiyahan ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika na pawalang-bisa ang listahan ng ipinagbabawal na transaksyon sa WeChat at TikTok na inilabas ni administrasyon ni dating Pangulong Donald Trump noong Setyembre, 2020.

 

Inilarawan ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang naturang desisyon bilang positibong hakbang tungo sa tamang direksyon. Ani Zhao, walang patid na hinihimok ng Tsina ang Amerika na sundin ang mga prinsipyo ng market economy at pandaigdigang alituntuning pagnkabuhaya’t pangkalakalan at itigil ang paniniil sa mga kompanyang panteknolohiya ng Tsina. Patuloy at buong tatag na pangangalagaan ng pamahalaang Tsino ang mga lehitimong karapatan at interes ng mga kompanyang Tsino, dagdag pa ni Zhao.

 

Salin: Jade 

Please select the login method