FDI ng buong mundo, tinayang muling tataas sa 2021

2021-06-23 15:52:36  CMG
Share with:

Sa eksklusibong panayam ng China Media Group (CMG), detalyadong inilahad ni Zhan Xiaoning, Puno ng Investment and Enterprise Department ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD), ang kalalabas na World Investment Report 2021.
 

Ayon sa nasabing ulat, tinayang muling tataas ang Foreign Direct Investment (FDI) ng buong mundo bago magtapos ang 2021, at aabot sa 10% hanggang 15% ang bahagdan ng paglago nito. Pero mananatiling di-tiyak ang prospek.

FDI ng buong mundo, tinayang muling tataas sa 2021_fororder_20210623UNCTAD1

Saad ni Zhan, ang Asya ay siyang tanging rehiyon sa daigdig na may paglaki ng FDI noong isang taon, at ang investment flow nito ay lumaki ng 4% na katumbas ng mahigit kalahati ng kabuuang halaga ng FDI ng buong mundo.
 

Dagdag niya, dahil sa pagbangon ng kalakalan at mga aktibidad ng industriya ng pagyari at malakas na ekspektasyon ng paglago ng Gross Domestic Product (GDP), mas maganda kaysa karaniwang lebel ng daigdig ang prospek ng FDI ng Asya sa taong 2021.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Jade

Please select the login method