Binatikos kahapon, Hunyo 25, 2021, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pinakahuling restriksyong pangkalakalan ng Amerika sa ilang kompanya sa Xinjiang.
Ito aniya ay pagsasapulitika ng normal na kalakalan, at pagharang sa pag-unlad ng mga industriya sa Xinjiang. Makakapinsala rin ito sa karapatan sa pagkabuhay at pag-unlad ng mga mamamayan sa Xinjiang, diin niya.
Inulit din ni Wang, na kasinungalingan ang di-umanong sapilitang pagtatrabaho sa Xinjiang. Hinimok niya ang panig Amerikano na itigil ang pagpapalaganap ng ganitong mga huwad na impormasyon, at itigil ang pagharang sa mga kompanyang Tsino batay sa mga kasinungalingan.
Editor: Liu Kai