Lupa ng Buwan na kinuha ng Chang'e-5, itinatanghal sa Hong Kong

2021-06-26 14:53:50  CMG
Share with:

Binuksan ngayong araw, Hunyo 26, 2021, sa Hong Kong, Tsina, ang eksibisyon ng lupang kinuha ng Chang'e-5 probe mula sa Buwan.

 

Ang naturang lupa ay dinala sa Hong Kong ng delegasyon ng mga siyentistang Tsino sa kalawakan, para sa 4-araw na pagbisita sa lunsod na ito.

 

Sa seremonya ng pagbubukas ng eksibisyon, sinabi ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong, na ito ang kauna-unahang pagkakataon ng pagtatanghal ng lupa ng Buwan sa Hong Kong.

 

Dagdag niya, nakahanda ang Hong Kong na magbigay ng bagong ambag para sa usaping pangkalawakan ng inangbayan.

 

Simula bukas hanggang Hulyo 9, bukas sa publiko ang naturang eksibisyon.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method