Kaugnay ng walang batayang pagbatikos at tikis na pagdungis ng ilang pulitiko ng Amerika, Britanya at Unyong Europeo (EU) hinggil sa hatol ng hukuman ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) sa ilang tauhang nanggugulo sa Hong Kong, inihayag nitong Linggo, Abril 18, 2021 ng tagapagsalita ng Tanggapan ng Komisyoner ng Ministring Panlabas ng Tsina sa Hong Kong ang matinding kawalang-kasiyahan at buong tatag ng pagtutol.
Tinukoy ng nasabing tagapagsalita na ito ay dobleng pagdungis at pagyurak sa pangangasiwa alinsunod sa batas ng HKSAR at daigdig.
Tinukoy ng nasabing tagapagsalita na ang Hong Kong ay isang lipunang pinangangasiwaan alinsunod sa batas.
Ang hatol sa mga kaukulang tauhang nag-organisa at sumali sa ilegal na pagtitipun-tipon ay may lubos na batayan sa katotohanan, lehitimo at naa-ayon sa kaukulang mga hakbang, at isinapubliko alinsunod sa batas.
Hinimok ng naturang tagapagsalita ang mga kaukulang bansa na sundin ang mga simulain ng pandaigdigang batas na gaya ng di-pakikialam sa mga suliraning panloob ng isa’t isa, at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, totohanang igalang ang diwa ng pangangasiwa alinsunod sa batas, itakwil ang double standard, at itigil ang pagpapaganda sa imahe ng mga kriminal, pagpinsala sa rule of law at hudikatura ng HKSAR, at pakikialam sa mga isyu ng Hong Kong at mga suliraning panloob ng Tsina.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
CMG Komentaryo: Pahayag ng Amerika tungkol sa Hong Kong, sobrang baligho
Tsina sa Amerika: Pag-unlad ng Hong Kong, hindi nakaasa sa “alms-giving” o “charity” ng ibang bansa
Tsina, determinado at may kompiyansang pangangalagaan ang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong
Mga sinusugang appendix ng saligang batas ng HKSAR, inilabas