Nagsadya nitong Martes, Hunyo 22, 2021 sa Hong Kong ang isang grupo ng mga siyentistang pangkalawakan ng mainland, para pasimulan ang kanilang 5-araw na pagbisita doon.
Ang nasabing grupo ay binubuo ng mga siyentista mula sa mahahalagang proyektong pangkalawakan ng bansa na gaya ng Long March, Shenzhou, Beidou, Tianwen at Chang’e.
Ang naturang mga siyentista ay mainitang tinatanggap ng iba’t ibang sirkulo ng Hong Kong.
Inihayag ng mga personahe ng Hong Kong na ang pag-unlad ng usapin ng kalawakan ng Tsina ay nagdidispley ng tagumpay ng pag-unlad ng bansa. Anila, may lubos na katuwirang magmalaki ang lahat ng mga mamamayang Tsino na kinabibilangan ng mga taga-Hong Kong.
Sinabi naman ng mga kabataan ng Hong Kong na gagawing ehemplo ang mga bayaning pangkalawakan, at ibibigay ang sariling ambag para sa pag-ahon ng inang bayan.
Salin: Vera
Pulido: Frank