Sa pakikipag-usap sa telepono kahapon, Hunyo 25, 2021, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Ministrong Panlabas Sameh Shoukry ng Ehipto, sinabi ni Wang, na pinahahalagahan ng Tsina ang paglahok ng Ehipto sa magkasanib na pahayag na sumusuporta sa Tsina sa ika-47 sesyon ng Konseho sa Karapatang Pantao ng United Nations.
Pinasalamatan din aniya ng panig Tsino si Pangulong Abdel-Fattah al-Sisi ng Ehipto sa kanyang pagpapadala ng video bilang pagbati sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Inulit naman ni Shoukry, sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Ehipto, ang pagbati sa naturang anibersaryo.
Dagdag niya, laging sinusuportahan ng Ehipto at Tsina ang isa't isa sa mga mahalagang isyung may kinalaman sa kani-kanilang mga nukleong kapakanan.
Samantala, pinag-usapan din ng dalawang opisyal ang kooperasyon ng Tsina at Ehipto sa paggawa ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Wang, isasaoperasyon sa malapit na hinaharap sa Ehipto ang isang production line ng bakuna ng Sinovac.
Tinukoy niyang, ito ang kauna-unahang kooperatibong proyekto ng Tsina at isang bansang Aprikano sa paggawa ng bakuna. Umaasa aniya siyang maalwan itong susulong.
Editor: Liu Kai