Tsina: dapat itigil ang Amerika, Kanada, at Britanya ang manipulasyong pulitikal sa isyu ng karapatang pantao

2021-06-19 15:11:37  CMG
Share with:

Pinuna kahapon, Hunyo 18, 2021, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang plano ng Amerika, Kanada, at Britanya, na magtatalumpati kaugnay ng Xinjiang sa gagawing ika-47 sesyon ng United Nations Human Rights Council, para siraing-puri at batikusin ang Tsina sa isyu ng karapatang pantao.

 

Ani Zhao, dapat itigil ng naturang ilang bansa ang manipulasyong pulitikal sa isyu ng karapatang pantao.

 

Kailangan ding tumpak na pakitunguhan ng mga bansang ito ang sariling masasamang rekord sa karapatang pantao, para hindi linlangin ang kani-kanilang mga mamamayan at komunidad ng daigdig, dagdag ni Zhao.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method