Maling mosyong may kinalaman sa Xinjing, ibineto ng Mataas na Kapulungan ng Kanada; tangka ng puwersa kontra Tsina, nabunyag sa mas maraming tao

2021-07-01 11:36:36  CMG
Share with:

Maling mosyong may kinalaman sa Xinjing, ibineto ng Mataas na Kapulungan ng Kanada; tangka ng puwersa kontra Tsina, nabunyag sa mas maraming tao_fororder_Xinjiang

Kaugnay ng muling pagbeto ng Mataas na Kapulungan ng Kanada sa maling mosyon hinggil sa pagmamarka sa patakaran ng Tsina sa Xinjiang bilang “genocide,” sinabi nitong Miyerkules, Hunyo 30, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na nabunyag sa mas maraming personaheng may pangmalayuang pananaw ang masamang tangka ng ilang puwersa kontra Tsina.
 

Aniya, ang pagpapalaki ng umano’y isyung “genocide” sa Xinjiang ay taliwas sa mithiin ng mga mamamayan, at tiyak itong mabibigo.
 

Dagdag ni Wang, sa kasalukuyan, matatag ang lipunan ng Xinjiang, umuunlad ang kabuhayan, at maginhawa’t maligaya ang trabaho’t pamumuhay ng mga mamamayan ng iba’t ibang nasyonalidad doon.
 

Winewelkam aniya ng panig Tsino ang pagbisita ng mas maraming kaibigang dayuhan sa Xinjiang.
 

Dapat makita para maniwala, ang mga tsismis at kasinungalingan ay tiyak na maitatama sa wakas, dagdag niya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method