Sinabi Huwebes, Hulyo 1, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na lagi’t laging kinakatawan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang pundamental na kapakanan ng pinakamalawak na masa ng mga mamamayang Tsino.
Ani Xi, walang anumang sariling espesyal na kapakanan ang CPC, at hindi kailanman nito kinakatawan ang anumang grupo ng kapakanan, kapangyarihan, at may-pribelihiyong uri sa lipunan.
Diin pa niya, tiyak na mabibigo ang anumang tangkang paghiwalayin at paglabanin ang CPC at mga mamamayang Tsino.
Si Pangulong si Xi ang siya ring Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Tagapangulo ng Central Military Commission ng bansa.
Salin: Lito
Pulido: Rhio