Sa kanyang talumpati bilang pagdiriwang sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang mga mamamayan ay ang mga tunay na bayani dahil sila ang lumilikha ng kasaysayan.
Kaugnay nito, ipinaalala niya ang paggalang at pagkalinga sa mga beteranong rebolusyonaryo at martir na Tsino para sa kalayaan, pagtatag at reporma ng bansa.
Ipinaabot din ng pangulong Tsino ang taos-pusong pasasalamat sa mga mamamayan at kaibigang dayuhan na kumatig at patuloy na kumakatig sa rebolusyon, konstruksyon at reporma ng Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Rhio