Naisakatuparan ng Tsina ang unang pansentenaryong target ng pagtatatag ng may kaginhawahan lipunan sa mataas na antas o moderately prosperous society sa lahat ng aspekto.
Ito ang ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa maringal na selebrasyon ng ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na nagsimula alas-8:00 ngayong umaga sa Tian'an Square sa Beijing, kabisera ng Tsina.
Saad ni Xi, bunga ng walang patid na pagsisikap ng sambayanang Tsino, naging katotohanan ang naturang target.
Sa kasalukuyan, umaabante ang buong bansa tungo sa pangalawang pansentenaryong target ng pagtatatag ng dakilang sosyalistang makabagong bansa sa iba’t ibang aspekto, ani pa ni Xi.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
White paper hinggil sa sistema ng partido pulitikal, inilabas ng Tsina
"Medalyang Hulyo Uno," igagawad sa mga namumukod na miyembro ng CPC
Dr. Rommel Banlaoi: Partido Komunista ng Tsina, mas creative, innovative at mas engaging ngayon
Dr. Rommel Banlaoi: Pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas, sana'y hindi matinag