Great Hall of the People, Beijing—Ginanap Martes ng umaga, Hunyo 29, 2021 ang seremonya ng paggagawad ng medalyang tinaguriang “Medalyang Hulyo Uno.”
Ito ang kauna-unahang pagkakataong iginawad ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang pinakamataas nitong parangal kasabay ng sentenaryong pagkakatatag ng partido.
Ipinamigay ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa ang naturang mga medalya.
Kabilang sa unang pangkat na ginawaran ng parangal ay 29 na miyembrong gumawa ng katangi-tanging ambag sa kalayaan ng bansa, reporma’t pagbubukas, pagpapahupa ng karalitaan, pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas at iba pa.
Sa kanyang talumpati sa seremonya, sinabi ni Xi na taglay ng mga ginawaran ng nasabing medalya ang matibay na paniniwala ng mga miyembro ng CPC.
Sila aniya ay may moralidad sa malinis na pagtatrabaho at pagbibigay-ambag sa bansa at mga mamamayan.
Diin niya, sa mula’t mula pa’y dapat maging tagabunsod ng panahon at gulugod ng nasyon ang mga miyembro ng CPC.
Salin: Vera
Pulido: Rhio