Sa pamamagitan ng video link, dumalo at bumigkas ng keynote speech Martes ng gabi, Hulyo 6, 2021 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa CPC at World Political Parties Summit.
Ipinagdiinan ni Xi na ang nukleong ideya ng kasalukuyang pandaigdigang sistema at kaayusan ay multilateralismo. Dapat aniyang magkakasamang tutulan ng mga bansa ang pagsasagawa ng aksyon ng unilateralismo na itinatago bilang multilateralismo, at dapat nilang magkakasamang tutulan ang hegemonya at power politics.
Buong tatag na pangangalagaan ng Tsina ang layunin at prinsipyo ng “UN Charter,” at isusulong ang pagtungo ng pandaigdigang sistema at kaayusan sa mas pantay at makatarungang direksyon, diin pa niya.
Si Pangulong Xi ang siya ring Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Tagapangulo ng Central Military Commission ng bansa.
Salin: Lito
Pulido: Mac