Pangulong Tsino, nakikidalamhati sa trahedya ng bumagsak na eroplanong militar ng Pilipinas

2021-07-06 19:43:55  CMG
Share with:

Ipinarating ngayong araw, Martes, Hulyo 6, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensahe ng pakikidalamhati kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas kaugnay ng pagbagsak ng isang C-130 plane ng Philippine Air Force (PAF).

 

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Xi na ikinagulat at ikinalungkot niya ang trahedyang nauwi sa malaking kasuwalti.

 

Ani Xi, sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinahayag niya ang pagdadalamhati sa  sinapit ng mga namatay, pakikiramay sa kanilang mga kamag-anak, at pangungumusta sa mga nasugatan.

 

Pangulong Tsino, nakikidalamhati sa trahedya ng bumagsak na eroplanong militar ng Pilipinas_fororder_c130-crash-afp

 

Ayon sa Kagawarang Pandepensa ng Pilipinas, sa halos sandaang pasahero, 52 katao ang namatay sa naturang aksidente na naganap noong Linggo, Hulyo 4, 2021 sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu .

  

Salin: Jade

Pulido: Mac

Please select the login method