Kasabay ng paglampas sa 4 na milyon ang death toll ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo, muling nanawagan nitong Miyerkules, Hulyo 7, 2021 si Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN) na isagawa ang global vaccination plan.
Aniya, sa kasalukuyan, mas mabilis kaysa pagbabakuna ang pagkalat ng virus. Dapat gawin ang pinakamalawak na pandaigdigang pagsisikap sa kalusugang pampubliko sa kasaysayan, upang mapawi ang agwat ng bakuna.
Aniya, batay sa umiiral na plataporma ng Vaccines Global Access (COVAX), dobleng palalawakin ang output ng bakuna, para maigarantiya ang patas na distribusyon ng bakuna, kokoordinahin ang mga hakbangin sa pagpapatupad ng plano at pagkalap ng pondo, samantalang tutulungan ang iba’t ibang bansa na isagawa ang pagbabakuna at pawiin ang duda ng mga mamamayan sa bakuna.
Salin: Vera
Pulido: Mac